Get Adobe Flash player

GABAY GABAY KAPAG MAY TIME

GABAY SA ELEKSYONG PAM-BARANGAY

 

BUKAS NA ANG ATING ELEKSYONG PAM-BARANGAY. SINIKAP NG ATING PAROKYA NA GABAYAN TAYO SA PAGPILI NG TUNAY NA MARANGAL NA KANDIDATO NA MAY RESPETO SA DIYOS, SA ATING SIMBAHAN AT SA KAPWA TAO.

 

HINDI NATIN IBOBOTO ANG MAY PANGIT NA RECORD NG PANG-AAWAY AT PAGPAPALAYAS SA MGA LIDER AT KAWANI NG ATING SIMBAHAN, PAGKAKALAT NG KASINUNGALINGAN AT PANINIRA NG KAPWA, AT NAGPAPASIKAT LAMANG HABANG KAMPANYA.  LALONG HINDI NATIN IBOBOTO ANG NAGAGALIT KAPAG SINUSURI NG SIMBAHAN.  ALANG-ALANG SA KINABUKASAN NG SANTOLAN, MAGDASAL AT MAKINIG SA TINIG NG PANGINOONG HESUS SA INYONG PAGBOTO BUKAS.

 

 

 

 

 

POPE TO PINOYS

POPE FRANCIS’ MESSAGE TO THE FILIPINOS

My dear brothers and sisters in the Lord Jesus Christ,

I greet all of you with the peace and joy of Our Lord. The first Philippine Conference on the New Evangelization is a worthy offering to the Year of Faith. For this I thank all of you, my brother Bishops, the priests, religious men and women, seminarians and the lay faithful who organized and are participating in the conference. I am happy to learn that you came to Manila from different parts of the Philippines and Asia. The Holy Spirit is actively at work in you. The Church of Christ is alive! Through this conference, I hope you would experience again the loving presence of Jesus in your lives, that you would love the Church more and that you would share the Gospel to all people with humility and joy. Do not get tired of bringing the mercy of the Father to the poor, the sick, the abandoned, the young people and families. Let Jesus be known in the world of politics, business, arts, science, technology and social media. Let the Holy Spirit renew creation and bring forth justice and peace in the Philippines and in the great continent of Asia that is close to my heart.

Please pray for me. I promise to pray for you, especially to Our Mother the Blessed Virgin Mary, Star of the New Evangelization. Mabúhay ang Pilipínas! Mabúhay ang Asia! Pagpaláin kayó ng Dios!

MGA PATALASTAS

PAGDALAW NG MAHAL NA BIRHEN NG ANTIPOLO

NARITO SA ATING PAROKYA ANG PILGRIM IMAGE NG MAHAL NA BIRHEN NG ANTIPOLO MULA OCT. 20 LINGGO (IKA-2 NG HAPON) HANGGANG OCTOBER 27, LINGGO.  SA KANYANG PAGDALAW, MAGDASAL TAYO AT ANG ATING MGA PAMILYA SA HARAP MAPAGHIMALANG IMAHEN NIYA. SALAMAT KAY DRA. BABY LABUGUEN AT MGA KASAMA SA KANILANG TULONG SA PAGDALAW NA ITO.

 

PASIYAM O PADASAL PARA SA ATING MGA YUMAO

ANG MGA YUMAONG MAHAL NATIN NA IPAGPAPAMISA SA NOV. 1 AT 2 AY KASAMA RIN SA SIYAM NA ARAW NG PADASAL MULA OCT. 23- 31 TUWING IKA-8 NG GABI DITO SA SIMBAHAN NATIN. MAAARI TAYONG DUMALO AT MAKIISA.

 

 

BENDISYON NG MGA KANDILA

MAAARI PONG MAGPA-BLESS NG MGA KANDILANG GAGAMITIN NATIN SA SEMENTERYO SA DARATING NA LINGGO, OCT. 27, PAGKATAPOS NG LAHAT NG MISA.

 

 

RECOLLECTION PARA SA PAGGUNITA SA MGA MAHAL NA YUMAO

INAANYAYAHAN ANG LAHAT LALO NA SA MGA NAMATAYAN NG KA-PAMILYA O KAIBIGAN NGAYONG 2013 NA DUMALO SA MUNTING RECOLLECTION NG PAGGUNITA SA OCT. 30, MIYERKULES, IKA-7 NG GABI. MAGDALA NG LARAWAN NG INYONG MGA YUMAO SA OPISINA UPANG MAKASAMA SILA SA POWERPOINT PRESENTATION.

 

 

PRUSISYON, MISA AT BLESSING SA ATING CATHOLIC CEMETERY

SA NOV. 2, SABADO, AY ARAW NG MGA YUMAO.  MAY SPECIAL NA PAGDIRIWANG SA ATING SEMENTERYONG KATOLIKO. MAY PRUSISYON MULA SA ATING SIMBAHAN SA IKA-5 NG UMAGA PATUNGONG SEMENTERYO.  MAY MISA SA SEMENTERYO SA IKA-6 NG UMAGA. KASUNOD NITO ANG BLESSING NG MGA PUNTOD NG ATING MGA YUMAO. SUMAMA PO TAYO AT NANG MABIYAYAAN ANG ATING MGA YUMAO. WALA PONG MISA NG UMAGA DITO SA SIMBAHAN.

 

PAANYAYA NGAYONG OKTUBRE

PAALALA AT IMBITASYON SA LAHAT

1. ANG OKTUBRE AY BUWAN NG SANTO ROSARYO. DASALIN NATIN ITO ARAW-ARAW.

 

2. BIBLE AND FAITH SHARING TUWING MIYERKULES, IKA – 7 NG GABI.

 

3. MARIAN EXHIBIT SA PARISH HALL HANGGANG OCT. 31

 

4. HEALING MASS NI FR. FALLER SA OCT 24, HUWEBES, IKA-6 NG GABI.

 

5. GRAND MARIAN PROCESSION, OCT. 27, LINGGO, IKA-8 NG GABI.

 

6. RECOLLECTION SA PAGGUNITA SA ATING MGA YUMAO, LALO NA SA MGA NAMATAYAN NG MAHAL SA BUHAY NGAYONG 2013 SA OCT. 30, MIYERKULES, IKA-7 NG GABI. MAGDALA NG LARAWAN NG INYONG MGA YUMAO SA OPISINA UPANG MAKASAMA SILA SA POWERPOINT PRESENTATION.

 

PANAWAGAN SA UNDAS LABAN SA DENGUE

SA PAGDALAW SA SEMENTERYO, BAWAL PO MAGDALA NG FLOWER VASE NA MAY TUBIG DAHIL ITO AY PINAMUMUGARAN NG LAMOK NA SANHI NG DENGUE.

 

PAGGUNITA SA MGA YUMAONG MINAMAHAL SA BUHAY

MULA SA DARATING NA LINGGO, OCT. 13, MAAARI NA PONG MAGPA-MISA PARA SA MGA YUMAO UPANG MAKASAMA SA NOBENA SA MGA KALULUWA SA PURGATORYO.  MAAARI NA RING HUMINGI NG SOBRE PARA SA PAMISA SA NOV.1 AT NOV. 2. PUMUNTA LAMANG PO SA OPISINA MULA OCT. 13.

 

ANG JUBILEE DOOR AT ANG INDULHENSYA PLENARYA

LAGING DALAWIN AT MAGDASAL SA ATING JUBILEE DOOR A UPANG MAKAMIT ANG PLENARY INDULGENCE NA KALOOB SA ATING PAROKYA NI POPE FRANCIS SA LOOB NG ISANG TAON. SUNDIN PO LAMANG ANG MGA KUNDISYONG KAUGNAY NG PAGKAKAMIT NG INDULHENSYANG ITO UPANG MAGING MABISA ITO SA ATING ESPIRITWAL NA BUHAY. ANG INDULHENSYA AY GRASYANG MAAARING IPATUNGKOL SA SARILI AT SA ATING MGA MINAMAHAL O IALAY PARA SA MGA YUMAONG KAPATID NATIN.

More Articles...

IMNO NI STO. TOMAS

:

Announcements

FOR REFLECTIONS AND PRAYER,

YOU ARE WELCOME TO VISIT

FR. RAMIL’S BLOG  AT

                                   www.ourparishpriest.

                                       blogspot.com

 

FIRST FRIDAY HOLY HOUR AT DEVOTION

 

SA APRIL 4, 2014 AY FIRST FRIDAY. 

 

DUMALO TAYO SA MISA,

 

HOLY HOUR AT PARISH RECOLLECTION

SIMULA 6 PM,

 

KUNG SAAN MARIRINIG NATIN ANG MENSAHE

 

NG SACRED HEART PARA SA ATIN SA BUWANG ITO.

 

MAYROON DING PAGPAPAHID NG LANGIS SA

 

KARANGALAN NI STO TOMAS.

 

MAGKITA-KITA PO TAYO!

 

 

PAANYAYA PARA SA MGA KABATAAN

kabataan,

MAGING malapit sa diyos at DAGDAGAN ANG KAIBIGAN AT BARKADA! 

dumalo sa parish youth ministry,

ang kilusan ng mga kabataan ng ating parokya. 

magkita-kita tayo sa parish hall tuwing sabado

simula alas-7 ng gabi

para sa kwentuhan, pagdarasal,

pakikipag-kaibigan sa diyos at sa isat-isa. 

ISAMA ANG LAHAT NG mga TROPA!

 IBA ANG SAYA KASAMA SI KRISTO!!! 

PAANYAYA PARA SA LOVE OFFERING SA PANGINOON

ANG MGA LOVE-OFFERING ENVELOPES NA IPINAMIMIGAY SA ATIN SA HARAP O PINTO NG SIMBAHAN AY MALAKING TULONG NINYO PARA SA MGA GAWAIN NG ATING SIMBAHAN.  UGALIIN NATIN NA SUPORTAHAN AT TULUNGAN ANG ATING PAROKYA.  BAGAMAT ITO AY HINDI SAPILITAN, SANA’Y MAUNAWAAN NATIN NA ANG ATING SIMBAHAN AY PANANAGUTAN NATIN NA ITAGUYOD SA KANYANG MGA PROYEKTO, MAINTENANCE AT MGA PLANO PARA SA IKADARAKILA NG DIYOS.  MAAARING IBALIK SA OPISINA O KAYA’Y IALAY SA OFFERTORY PROCESSION NG MISA ANG ATING MGA LOVE OFFERING.    ANG BUKAS-PALAD SA DIYOS AY PINAGPAPALA NIYANG LUBOS.  SALAMAT PO.

SCHEDULE OF LITURGICAL SERVICES
HOLY MASS:

SUNDAYS        6:00 AM         

8:00 AM         10:00 AM
4:00 PM           5:00 PM

6:30 PM

MONDAYS    6:00 PM

TUESDAYS
    6:00 PM

WEDNESDAYS
   6:00 AM and 6:00PM

followed by Perpetual Help Novena

THURSDAYS
    6:00 PM

FRIDAYS          6:00 PM

followed by Sto. Tomas Devotion

1st FRIDAYS     6:00 PM

followed by Holy Hour and Parish Recollection                      

SATURDAYS    6:00 AM and
5:30 PM ANTICIPATED MASS

PANALANGIN NG PAROKYA NI STO. TOMAS DE VILLANUEVA

 

AMANG MAPAGMAHAL

TUNGHAYAN MO PO AT KAAWAAN

ANG IYONG MGA ANAK

SA DELA PAZ AT SANTOLAN

NA BUMUBUO SA PAROKYA

NI STO TOMAS DE VILLANUEVA.

NAWAY MAG-UMAPAW

ANG PAGKAKAISA, PAGMAMAHAL

AT PAGLILINGKOD SA AMING LAHAT

KAUGNAY NG AMING OBISPO, KURA PAROKO

AT MGA PARING LINGKOD.

MARANASAN NAWA NG BAWAT

PAMILYA AT PAMAYANAN

ANG IYONG PAGGABAY AT

PAGPAPALANG MATERYAL AT ESPIRITWAL.

ITAGUYOD NAWA NAMIN

ANG MISYON NG SIMBAHAN

NA MAY MALASAKIT SA AMING KAPWA

AT TUNAY NA PAGBIBIGAYAN.

SALAMAT PO SA PAROKYA

NAMING ITO NA SIYANG

TAHANAN NG AMING PUSO

AT BUONG PAGKATAO.

SA PAMAMAGITAN NI KRISTO

KASAMA NG ESPIRITU SANTO

MAGPASAWALANG HANGGAN.  AMEN.

STO. TOMAS DE VILLANUEVA,

IPANALANGIN MO KAMI.  

Facebook Share

Share on facebook

Facebook Page

Who's Online

We have 31 guests online

Number of Hits

233335 Page Views